top of page

Panukalang pagtatatag ng Bangsamoro State University (BSU) isinusulong sa BTA Parliament

  • Diane Hora
  • 8 hours ago
  • 1 min read

iMINDSPH



Inihain rin ni BTA Deputy Speaker Baintan Ampatuan ang Parliament Bill No. 359, o ang Bangsamoro State University Act of 2025.


Layon nito na magkaroon ng aims accessible at affordable tertiary education, lalo na sa mga marginalized at disadvantaged communities sa buong rehiyon.


Ayon kay Deputy Speaker Ampatuan, matutugunan ng panukalang batas ang education gaps, reduce inequality, at support peace and development efforts.


Sa ibinahaging explanatory note ng proposed bill, patuloy na nakakapagtala ang BARMM ng lowest education indicators sa bansa.


Sa taong 2017, elementary completion rate ng rehiyon ay nasa 54 percent, kumpara sa national average na 94 percent.


Sa datos na tinukoy sa proposed measure, sa sampung mga bata na nagsimulang mag aral sa primary education sa BARMM, isa lamang ang nakakapagpatuloy at nakapagtapos ng junior high school.


Sa ilalim ng panukala, i-aalok din ng BSU ang undergraduate, graduate, at vocational programs sa education, engineering, science and technology, health sciences, arts and humanities, information and communication technology at iba pa.


Ang Minister ng Basic, Higher, and Technical Education ang magsisilbing chair Board of Regents, na mangangasiwa sa proposed university.


Kabilang sa principal authors ng panukalang batas sina MPs Tomanda Antok, Kitem Kadatuan Jr., Sittie Fahanie Uy-Oyod, at Khalid Hadji Abdullah.

 
 
 

Комментарии

Оценка: 0 из 5 звезд.
Еще нет оценок

Добавить рейтинг

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page