top of page

MBHTE at COA, nagsagawa ng Entrance Conference para sa FY 2025

  • Diane Hora
  • Nov 13
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Bilang bahagi ng pagsusulong ng mabuting pamamahala at tamang paggamit ng pondo ng gobyerno, isinagawa ng MBHTE at COA-BARMM ang COA MBHTE Entrance Conference 2025 upang aralin at i-review ang mga account at transaksyon ng Ministry para sa Fiscal Year 2025.


Layunin ng aktibidad na matiyak na nagagamit nang tama ang pondo at naaayon sa umiiral na batas, alituntunin, at regulasyon.


Binigyang-diin ni COA Regional Director Rasdy Guiling ang mandato ng COA na palakasin ang transparency at accountability sa mga operasyon ng gobyerno.


Ayon sa kanya, ang tungkulin ng COA ay hindi lamang mag-audit kundi tumulong rin sa pagpapatatag ng mga sistema at proseso para mas maging efficient at transparent ang serbisyo.


Samantala, sinabi ni Minister Mohagher Iqbal ang buong commitment ng MBHTE sa audit process bilang bahagi ng kanilang pangako sa moral governance.


Aniya, bukas sila sa audit na may pagpapakumbaba at sinseridad, itinuturing ito nilang oportunidad upang ipakita ang integridad at palakasin ang sistema ng Ministry.


Bilang simbolo ng simula ng 2025 audit engagement, lumagda sina Minister Iqbal at Director Guiling sa isang Engagement Letter.


Muling tiniyak ng Ministro ang buong kooperasyon ng MBHTE upang masigurong ang pondo ng bayan ay ginagamit para sa tunay na layunin nito ang pagpapaunlad ng edukasyon at kinabukasan ng bawat Bangsamoro learner.


Sa conference, iprinisinta rin ang:

Policy guidance on the transition from the New Government Procurement Act to its Implementing Rules and Regulations

MBHTE profile at major accomplishments

COA rules and regulations, issuances, at iba pang batas

Terms of audit engagement, scope, methodology, at procedures

Audit thrust for FY 2025 at status of prior years’ audit recommendations

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page