iMINDSPH
Bumili ng tatlong school bus ang Ministry of Basic, Higher and Technical Education BARMM. Bahagi ito ng pagpapaunlad pa ng serbisyo ng ministry pagdating sa mga mag-aaral ng rehiyon.
Dumating na ang tatlong school bus na binili ng MBHTE BARMM.
Pormal na itinurn over ng Archon Machineries ang susi ng mga bus kay MBHTE Minister Mohagher Iqbal araw ng Martes, September 17.
Kaya nitong mag-accommodate ng apatnapu hanggang pitumpong pasahero at may seating capacity na 20 hanggang 30 persons.
Binigyang diin ni Minister Iqbal na isa itong investment sa agarang pagtugon sa pangangailangan ng mga mag-aaral.
Isa rin aniya itong hakbang para suportahan ang educational advancement para sa tagumpay ng mga mag-aaral sa hinaharap.
Ang pondo na inilaan dito ay mula sa 2024 General Appropriations Act of Bangsamoro.
Comments