top of page

MBHTE, kinondena ang pamamaril kay Madaris Education Director General Tahir Nalg; MBHTE, nanawagan sa awtoridad na magsagawa ng mabilis, masusi, at patas na imbestigasyon sa insidente

  • Teddy Borja
  • Nov 28
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Mariin na kinondena ng MBHTE ang nangyaring pamamaril kay Professor Tahir Nalg, ang Director General for Madaris Education ng MBHTE.


Binaril ang biktima habang sakay ng SUV sa Rosary Heights 9, Cotabato City kahapon ng umaga.


Ayon sa Ministry, ang ganitong uri ng karahasan ay walang puwang anila sa isang lipunang nagsusumikap para sa moral governance, seguridad, at pangmatagalang kapayapaan.


Sa kasalukuyan, sumasailalim sa gamutan si Prof. Nalg.


Kasabay nito, umaapela ang MBHTE ng panalangin at suporta mula sa publiko para sa kanyang mabilis na paggaling.


Hinimok din ng Ministry ang mga awtoridad na magsagawa ng mabilis, masusi, at patas na imbestigasyon upang agad na mapanagot ang mga salarin.


Nanawagan din ang ahensya sa publiko na iwasang magpakalat ng hindi beripikadong impormasyon at hayaan ang mga kinauukulan na gampanan ang kanilang tungkulin.


Tiniyak ng MBHTE na mananatili itong nakatuon sa pagprotekta sa mga kawani at sa pagpapanatili ng ligtas na kapaligiran para sa lahat ng tagapaghatid ng edukasyon sa Bangsamoro.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page