MBHTE, malugod na tinanggap ang isinasagawang audit ng COA BARMM
- Diane Hora
- Nov 17
- 1 min read
iMINDSPH

Noong nakaraang linggo, pormal na binuksan sa isang entrance conference ng Ministry of Basic, Higher and Technical Education at Commission on Audit BARMM ang isinasagawang audit.
Ayon kay MBHTE Minister Mohagher Iqbal, malugod nila itong tinatanggap dahil nakikita nila ang prosesong ito bilang oportunidad na ipakita ang integridad at palakasin ang sistema ng MBHTE.
Buong puso rin ang kooperasyon ng MBHTE at bukas sa anumang kailangan ng COA sa isinasagawang audit upang masiguro na ang pondo ay nailalaan at napupunta sa tama, sa layuning maitaas ang edukasyon sa rehiyon.
Ito rin aniya ang ibig ipakahulugang moral governance na kailangang gawin ng bawat isa.
Hindi lamang din umano ito isang “compliance” sa panuntunan kundi bahagi ito ng accountability bilang moral obligation.
Nanindigan din ang MBHTE na ang bawat piso, bawat programang ipinatutupad ng MBHTE, at bawat desisyong ginagawa ay nagpapakita ng commitment nito para sa kapakanan ng mga mag-aaral na Bangsamoro at mga guro.



Comments