MBHTE, namahagi ng school devices at learning materials sa Lamitan City, Basilan
- Diane Hora
- Nov 10
- 1 min read
iMINDSPH

Bilang bahagi ng pagpapalakas ng education system sa rehiyon, patuloy ang inisyatiba ng Ministry of Basic, Higher and Technical Education sa pagpapaabot ng suporta sa mga paaralan.
Noong November 7, tumanggap ng school devices at supplies ang limampu’t anim na mga paaralan, mula elementarya hanggang sekondarya sa School Division Office ng Lamitan City, Basilan.
Kabilang din sa mga benepisyaryo ang mga guro mula sa Alternative Learning System o ALS na pinagkalooban ng mga laptop upang higit na mapalakas ang implementasyon ng de-kalidad at inklusibong edukasyon sa buong rehiyon.
Layunin ng inisyatibang ito na suportahan ang mga guro at paaralan sa paggamit ng makabagong teknolohiya at epektibong pamamaraan ng pagtuturo, bilang tugon sa pangangailangan ng mga mag-aaral sa makabago at accessible na edukasyon.



Comments