MBHTE, pinatatag ang school-based protection policies sa BARMM
- Diane Hora
- Nov 10
- 1 min read
iMINDSPH

Sa pamamagitan ng isinagawang 2025 Updating and Strengthening of School-Based Child Protection Policy Workshop, pinalalakas pa ng Ministry of Basic, Higher and Technical Education ang mga polisiya para sa kaligtasan at kapakanan ng mga mag-aaral sa rehiyon.
Sa mga session, nakilahok ang mga guro at mga opisyal sa interactive discussions, workshops at collaborative planning kung saan kanilang sinuri ang kasalukuyang mga pamamaraan, tinukoy ang mga nagbalangkas ng mga policy recommendations na tugma sa pangangailangan ng mga mag-aaral sa makabagong panahon.
Isa sa mga pangunahing resulta ng workshop ang pagbuo ng school-based referral pathways na angkop sa bawat konteksto ng mga lumahok na paaralan.
Ito ay magsisilbing gabay sa tamang proseso ng paghawak ng child protection cases mula sa pagtukoy at pag-uulat hanggang sa interbensyon at follow-up na nagbibigay-diin sa kaligtasan, dangal at kapakanan ng bawat mag-aaral.
Ang mga bagong referral pathways at policy recommendations ay isasama sa umiiral na child protection mechanisms ng mga paaralan upang higit pang mapalakas ang koordinasyon at sistema ng pagtugon sa mga kaso sa iba’t ibang pang-edukasyon.



Comments