MDS Provincial Government, nagsagawa ng community convergence para sa emergency preparedness at kalamidad
- Diane Hora
- 3 hours ago
- 1 min read
IMINDSPH

Nais ng provincial government ng MagSur na palakasin ang kahandaan ng mga barangay responders at palawakin ang kaalaman at kasanayan sa Basic Life Support.
Nasa isandaan at limampong barangay responders at piling mga heads of families na mula sa mga bayan ng Ampatuan, Datu Abdullah Sangki at Datu Hoffer ang lumahok sa pagsasanay sa calamity at emergency preparedness training na isinagawa sa bayan ng Ampatuan, Maguindanao del Sur.
Ito ay sa ilalim ng Give Heart Community Convergence on DRRM WOKS ni Governor Datu Ali Midtimbang.
Pinangunahan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office ang pagsasanay.
Nagbigay ng kaalaman at pagsasanay ang mga Emergency Medical Technicians at rescuers.
Upang palakasin din ang kaalaman at kamalayan ng komunidad, namahagi naman ng Information, Education and Communication materials ang PDRRMO.
Namahagi rin ng hygiene at first aids kits upang mapalakas ang kahandaan at kapabilidad na tumugon sa ano mang sakuna at emergency sa kanilang lugar.
Bukod pa ito sa ipinamahaging generator sets sa tatlong bayan ng pamahalaang panlalawigan.
Ang Give Heart Program ay isang flagship program sa pangunguna ni Maguindanao del Sur Governor Datu Ali Midtimbang Sr.



Comments