top of page

MDS Vice Governor Hisham Nando, dumalo sa Bangsamoro Ulama Conference ng Bangsamoro Darul Ifta sa Cotabato City

  • Diane Hora
  • 38 minutes ago
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Bilang suporta sa pagpapalawak at pagpapalalim ng turo ng Islam, dumalo si Maguindanao del Sur Vice Governor Ustadz Hisham Nando sa ginanap na Bangsamoro Ulama Conference 2025, na inorganisa ng Bangsamoro Darul Ifta na nagsimula kahapon sa Cotabato City.


Daan-daang Ulama, Asatidz at Du’at mula sa iba’t ibang bahagi ng rehiyon ang dumalo.


Layunin ng pagtitipon na palakasin ang pagkakaisa, kooperasyon at moral na pamumuno ng mga Islamic scholars bilang gabay ng Bangsamoro sa pananampalataya at pamamahala.


Sa kanyang talumpati bilang resource person, ipinaabot ni Vice Governor Nando ang buong suporta ng Provincial Government ng Maguindanao del Sur, sa pangunguna ni Governor Datu Ali Midtimbang, sa mga adbokasiya ng Darul Ifta, Hay’atul Ulama at iba pang samahan ng mga ulama sa rehiyon.


Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng konkretong aksyon sa kooperasyon sa pagitan ng mga ulama at ng pamahalaan.


Ayon kay Vice Governor Nando patuloy ang suporta ng provincial government sa moral governance, Islamic education at community development bilang mga haligi ng kapayapaan at kaunlaran sa probinsya at sa buong rehiyon.


Naroon din sa conference si BTA Speaker Mohammad Yacob at si Wali Sheikh Muslim Guiamaden, na parehong kinilala sa kanilang inspiradong pamumuno tungo sa pagkakaisa at espiritwal na paggabay sa rehiyon.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page