top of page

Medical Mission, handog ng tanggapan ni MP Atty. Naguib Sinarimbo katuwang ang Ministry of Health sa mga residente ng Pob. 5 at Pob. 6 sa Cotabato City

  • Diane Hora
  • 14 hours ago
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Tinanggap ng mga residente na Poblacion 5 at Poblacion 6 sa Cotabato City ang libreng gamot, at sumailalim sa libreng general medical check-up at eye check-up mula sa ginanap na medical mission sa lugar.


Ang medical mission ay handog ng tanggapan ni MP Atty. Naguib Sinarimbo katuwang ang Ministry of Health ngayong araw ng Miyerkules, August 13, 2025.


Nagsimula ang programa kaninang alas-8 ng umaga.


Layon ng nitong mabigyan ng tulong medical ang mga residente sa nasabing lugar. Ang programa ay laan para sa lahat bata man o matanda.


Ayon kay Kagawad Johny Ayunan, malaking tulong umano itong programa ng mambabatas para sa mga mamamayan ng kanilang barangay lalo't maraming walang kakayahang makapag pacheck up o makabili ng gamot.


Naghayag din ng pasasalamat ang mga benepisyaryo ng programa. Anila, ang serbisyong natanggap ay malaking tulong upang matukoy ang estado ng kanilang kalusugan ng libre at makatanggap ng libreng gamot.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page