top of page

Medical Mission sa Lanao del Sur, sinaksihan ng AMBAG PMO sa kauna-unahang pagkakataon

iMINDSPH


Sa unang pagkakataon, sinaksihan ng AMBAG ang isinagawang medical mission sa Lanao del Sur na pinondohan ng programa.



Naging matagumpay ang paghahatid ng libreng serbisyong pangkalusugan sa lalawigan mula a-17 hanggang a-21 ng Pebrero sa Lanao del Sur sa pakikipagtulungan ng Wao District Hospital at Ministry of Health.



Ayon sa AMBAG, Ang kanilang aktibong presensya ay nagbigay-diin sa kahalagahan ng direktang pangangasiwa at pakikilahok ng pamunuan upang masigurado ang epektibong implementasyon ng serbisyong medikal para sa Bangsamoro.



Hatid ng AMBAG ang libreng konsultasyon, gamutan, cataract operation at pamamahagi ng mga essential medicines. Layunin nitong mailapit ang dekalidad na serbisyong medikal sa bawat Bangsamoro, lalo na sa mga komunidad na may limitadong akses sa pangangalagang medikal.



Nanguna mismo si AMBaG Program Head Mohd Asnin Pendatun, kasama si Deputy Program Manager Saharan Jurjani Silongan at iba pang miyembro ng AMBaG PMO.



Ang tagumpay na misyong ito ayon sa AMBAG ay bunga ng matibay na kolaborasyon at dedikasyon ng bawat kasali—mula sa mga volunteer healthcare professionals hanggang sa mga program implementers—na may iisang layunin: ang maghatid ng serbisyong medikal na may malasakit, kahusayan, at katapatan.


Bahagi anila ito ng pinalakas na mga inisyatibo sa ilalim ng pamumuno ni 𝗖𝗵𝗶𝗲𝗳 𝗠𝗶𝗻𝗶𝘀𝘁𝗲𝗿 𝗔𝗵𝗼𝗱 𝗕. 𝗘𝗯𝗿𝗮𝗵𝗶𝗺, na patuloy na nagsusulong ng mga programang naglalayong magbigay ng dekalidad at abot-kayang serbisyong pangkalusugan sa bawat Bangsamoro.


Nagpasalamat naman ang AMBAG sa lahat ng mga lumahok, nagbigay ng serbisyo, at sumuporta sa matagumpay na medical mission na ito. Nawa’y magsilbi anilang inspirasyon ang tagumpay na ito sa iba pang mga proyekto para sa patuloy na pag-unlad ng kalusugan sa buong Bangsamoro region.

Комментарии

Оценка: 0 из 5 звезд.
Еще нет оценок

Добавить рейтинг

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page