iMINDSPH

Sa tulong ng mga volunteer doctors, nurses, at mga sundalo, matagumpay ang Medical Outreach Program ng Pamahalaang Panlalawigan ng Maguindanao del Sur, a-27 ng Pebrero.

Layunin ng programang ito na magbigay ang tulong at malasakit sa mga kababayan natin sa Maguindanao del Sur.

hatid ng medical team ang
✅ Libreng Medical Check-Up
✅ Libreng Dental Check-Up at Bunot ng Ngipin
✅ Libreng Tsinelas
✅ Libreng Gamot
✅ Libreng Tuli
✅ Feeding Program

Ayon sa provincial government, ang patuloy nilang pakikiisa at suporta ang nagbigay ng pag-asa at sigla sa ating mga kababayan. Sama-sama nating naabot ang layunin na masiguro ang kalusugan ng komunidad.

Panawagan ng pamahalaang panlalawigan na patuloy na magtulungan para sa mas malusog at maunlad na kinabukasan!

Comments