Member of the Parliament Michael Midtimbang, nanawagan na isulong ang pagkakaisa
- Diane Hora
- Nov 19
- 1 min read
iMINDSPH

Bilang isa sa mga lider ng Bangsamoro na nagsusulong ng kapayapaan at pagkakaisa hindi lamang sa rehiyon kundi sa buong bansa, nanawagan si Bangsamoro Transition Authority Member of Parliament Michael Midtimbang na tigilan ang bangayan sa pulitika at itaguyod ang pagkakaisa tungo sa kaunlaran.
Aniya, ang bangayan sa pulitika ay proseso ng demokrasya, ngunit kapag ginamit na personal na pag-atake ay hindi na makatao.
Dapat rin umanong isulong ang interes ng nakararami at hindi ang pansarili lamang dahil mayroon naman umanong legal na pamamaraan sa pagpapalit ng kasalukuyang nakaupo sa posisyon, mula sa Pangulo hanggang Sangguniang Bayan.
Sinabi rin nito na hintayin na lamang umano ang susunod na halalan dahil ang taumbayan aniya ang magdedesisyon kung sino ang nais nilang iluklok sa pwesto.
Pakiusap nito sa lahat na magkaisa upang mas maging mapayapa at maunlad ang bansa



Comments