Mga armas at pampasabog, itinurn over ng mga residente ng Kadayangan, SGA sa militar sa gitna ng patuloy na kampanya ng awtoridad kontra loose firearms
- Teddy Borja
- Aug 22
- 1 min read
iMINDSPH

Itinurn over sa militar ng mga residente ng Kadayangan, SGA ang mga armas at pampasabog sa gitna ng patuloy na kampanya ng awtoridad laban sa loose firearms.
Iprenesinta sa 34th Infantry Battalion ng Philippine Army ang mga armas at pampasabog na itinurn-over ng mga residente ng Kadayangan, SGA.
Naganap ang turn-over, araw ng Huwebes, August 21, 2025 sa pangunguna ni LtCol. Edgardo Batinay ng 34th Infantry Battalion.
Ito ay dinaluhan ng iba't ibang lokal na opisyal, kabilang na si Jan Paried Mascud, kinatawan ni Mayor Duma Mascud, pati na rin ang mga kasapi ng pulisya.
Ang turn-over ay pinangunahan ng 602nd Infantry Brigade sa ilalim ng pamumuno ni Brigadier General Ricky Bunayog.
Ayon sa Local Government ng Kadayangan, layunin ng turn-over na itaguyod ang kampanya laban sa baril na walang kaukulang papeles at mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa komunidad.



Comments