top of page

Mga armas at pampasabog, narekober ng militar sa Baluan, Palimbang, Sultan Kudarat na ibinaon sa lugar taon pang 2017

  • Teddy Borja
  • Aug 15
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Napasakamay ng mga tauhan ng 7th Infantry (Tapat) Battalion ang tatlong (3) Carbine, isang Cal. 45, dalawang granada, isang 12 Gauge at isang Cal. 38.


Ito’y matapos ang ginawang pulong-pulong sa pagitan ng mga residente ng Sitio Pusot, Barangay Baluan, Palimbang, Sultan Kudarat, araw ng Martes, August 12, 2025, kung saan tinalakay ang usapin sa seguridad at kapayapaan sa lugar.

Sa nasabing pagpupulong, ibinunyag ng mga residente ang kinaroroonan ng mga nakatagong armas at pampasabog na kanilang ibinaon sa lugar noon pang 2017.

Ayon sa 6th ID, ang mga kagamitang ito ay ginamit noon pang 2016 bilang proteksyon laban sa mga bandidong gumagala sa lugar. Upang maiwasan na muli itong magamit ng mga lawless armed group, napagpasyahan ng mga residente na boluntaryong isuko ang mga armas sa pamahalaan.

Ayon kay Lt. Col. Tristan Rey Vallescas, Commanding Officer ng 7IB, ang operasyon ay naging posible sa tulong at tiwala ng mga residente sa lugar.

Binigyang-diin naman ni 603rd Infantry Brigade Commander, Brigadier General Michael A. Santos, na ang tagumpay na ito ay patunay ng epektibong ugnayan at pagtutulungan ng militar at mamamayan.

Samantala, pinuri naman ni 6th Infantry (Kampilan) Division at Joint Task Force Central Commander, Major General Donald Gumiran, ang hakbang ng mga residente na kusang-loob na isuko ang mga tinaguriang tools of violence.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page