top of page

Mga botante na magpaparehistro pa lamang ngayong August 1 hanggang August 10, 2025 hindi pa makakaboto sa October 13, 2025 parliamentary elections ayon sa COMELEC

  • Diane Hora
  • 1 day ago
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Hindi pa makakaboto sa BARMM Parliamentary Elections sa October 13, 2025 ang mga botante na magpaparehistro pa lamang ngayong August 1 hanggang August 10, 2025.


Ito ang paglilinaw ni COMELEC Chairman George Garcia sa report ng DZMM kung saan aniya ay nakasaad sa batas na ang makaboboto lang sa BARMM elections ay yung mga botante na noong nakaraang May 12 mid-term elections.


Kaya hindi makakaboto sa October 13 parliamentary election dito sa BARMM ang mga botanteng magpaparehistro pa lang ngayong August 1 hanggang 10.


Para lang aniya sa idaraos na barangay at sangguniang kabataan elections ang gagawing registration.


Tiniyak naman ni Garcia na tuloy na tuloy na ang BARMM elections pero para lang sa 73 parliamentary seats dahil hanggang ngayon, wala pa ring batas para sa reallocation ng pitong seats na nakalaan sana sa Sulu.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page