top of page

Mga displaced o disadvantaged workers sa Maguindanao del Sur, nakatanggap ng financial assistance sa ilalim ng TUPAD program ng MOLE.

  • Diane Hora
  • 1 day ago
  • 1 min read

iMINDSPH

ree

Isinagawa ng Ministry of Labor and Employment (MOLE), sa pamamagitan ng Project Management Committee (PMC) at MOLE Maguindanao Field Office, ang payout ng financial assistance para sa mga benepisyaryo ng TUPAD program sa Maguindanao del Sur.


Bawat benepisyaryo ay nakatanggap ng halagang ₱5,040.00, na naglalayong tugunan ang kanilang agarang pangangailangan at magsilbing kabayaran para sa kanilang nagawa sa mga community work at serbisyo.


Ayon sa MOLE, layunin ng programa na magbigay ng mabilisang tulong sa mga disadvantaged at displaced workers na may emergency conditions.


Ayon kay Minister Muslimimin “Bapa Mus” Sema, ang programa ay bahagi ng mas malawak na hakbang ng MOLE na labanan ang unemployment sa Bangsamoro sa pamamagitan ng pagbibigay ng integrated livelihood at emergency employment para sa mga nangangailangan.


 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page