Mga gamot, ipinamahagi ng Project TABANG sa mga residente ng Datu Montawal, Maguindanao del Sur
- Diane Hora
- 6 days ago
- 1 min read
iMINDSPH

Matagumpay na naisagawa ng Project TABANG ang pamamahagi ng mga gamot sa mga barangay ng Limbalod, Maridagao, Nabundas, Pagagawan, Dungguan, at Talitay sa Datu Montawal, Maguindanao del Sur.
Layunin ng programa na palakasin ang community-based health support at masiguro ang mabilis na access ng mga residente sa mahahalagang gamot.
Ang hakbang na ito ay bahagi ng patuloy na pagsusumikap ng Pamahalaang Bangsamoro na tugunan ang pangangailangan ng mamamayan sa serbisyong pangkalusugan, lalo na sa mga malalayong komunidad.
Sa pamamagitan ng Project TABANG, mas nakatitiyak ang mga barangay na handa sa mga pangangailangan ng kanilang mga residente, kasabay ng pagpapalakas ng health services sa buong lalawigan.



Comments