top of page

Mga guro sa BARMM, sinanay sa MTSS at inclusive school approaches

  • Diane Hora
  • Dec 17
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Isinagawa ang training mula December 7 hanggang 12, 2025, na nakatuon sa Teaching Pedagogies, Values Education, at Inclusive School Approaches gamit ang Multi-Tiered System of Supports o MTSS.


Lumahok dito ang mga guro, school heads, at Special Education focal persons mula sa mga paaralang nagpapatupad ng SpEd sa iba’t ibang school divisions sa BARMM.


Layunin ng programa na paigtingin ang kakayahan ng mga guro sa tamang pagpapatupad ng MTSS, learner assessment, at pagbuo ng Individualized Education Programs at Behavior Intervention Plans.


Binigyang-diin din ang kahalagahan ng maagang interbensyon, paggamit ng ebidensiya sa pagdedesisyon, at akmang estratehiya sa pagtuturo para sa mga mag-aaral na may special needs.


Pinangunahan ang aktibidad ng BSPED Director na si Alkhan Sangkula, bilang bahagi ng patakaran ng MBHTE na patuloy na isinusulong ang inklusibong edukasyon bilang mahalagang haligi ng reporma sa edukasyon sa Bangsamoro, sa ilalim ng pamumuno ni Mohagher Iqbal at Director General Abdullah Salik.


Nagbigay naman ng teknikal na kaalaman ang mga resource persons mula sa University of the Philippines College of Education na pinangunahan ni Lutze-Sol Vidal, kasama sina Teacher May at Sarah Grace Candelario.


Tinalakay nila ang inclusive education practices, psychoeducational assessment, early intervention, IEP development, at behavior management na nakaayon sa Inclusive Education Law.


Ayon sa MBHTE, ang naturang inisyatibo ay bahagi ng tuluy-tuloy na pagsisikap na maisalin ang mga polisiya sa aktuwal na gawain sa silid-aralan, at matiyak na walang Bangsamoro learner ang maiiwan sa sistema ng edukasyon.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page