Mga habal-habal, angkas at motor taxi sa BARMM, kailangan nang kumuha ng franchise sa BLTO BARMM o sa LGU sakaling maisabatas ang BTA Bill No. 357
- Diane Hora
- May 21
- 2 min read
iMINDSPH

Nasa unang pagbasa na sa BTA Parliament ang panukalang batas na naglalayon na
kilalanin at i-regulate sa motorcycles-for-hire sa BARMM.
Ito ang Parliament Bill No. 357.
Ninanais ng panukalang batas na mapahusay ang public safety, magkaroon ng standardize operations, at magbigay ng labor protections para sa libu-libong riders sa buong rehiyon.
Sakop ng panukala ang habal-habal, angkas, at motor taxis
Nakasaad sa panukalang batas na kailangan nang kumuha ng frachise ng mga ito sa Bangsamoro Land Transportation Franchising and Regulatory Board o BLTFRB o sa local government units.
Pangunahing may akda ng Parliament Bill No. 357 ay si Member of Parliament Romeo Sema.
Nire-require din ng panukalang batas ang mga operator na magbigay ng insurance coverage para sa riders, passengers, third parties, at property.
Binibigyang diin ng proposed measure ang labor protections. Kabilang na ang riders na magkaroon ng social protection programs tulad ng health insurance, accident compensation, at retirement benefits.
Ang motorcycle taxis ay naging vital mode of transportation sa BARMM, lalo na sa urban areas at mahirap maabot ng mga komunidad.
Ayon sa pag-aaral na nakasaad sa proposed law, 45% ng mga pinoy ang gumagamit ng motorcycles-for-hire, na mayroong 41% reporting regular usage.
Sa kabila ng widespread presence nito, ang operasyon ng motorcycles-for-hire sa rehiyon ay nananatiling unregulated, na naglalagay sa riders at passengers sa peligro.
Sa mga lugar na walang functioning transport network company, pinahihintulutan ang LGUs na mag isyu ng franchise, tiyakin lamang na ang operations ay mananatili sa kani-kanilang jurisdiction at mahigpit na susundin ang regional guidelines.
Ang MOTC at BLTFRB ang magiging responsible para sa setting safety standards at technical requirements, kabilang na ang mandatory training at licensing para sa mga riders.
Kommentare