top of page

Mga kabataan sa Basilan, magtitipon-tipon para sa Basilan Youth Agora 2025

  • Diane Hora
  • Nov 24
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Sa patuloy na paghubog sa bagong henerasyon, malapit nang ipakilala ng Provincial Government ng Basilan ang 4th Batch ng mga kalahok sa Basilan Youth Agora 2025.


Sila ang mga napiling kabataan na magbabahagi ng kanilang boses, maglalatag ng mga solusyon, at makikibahagi sa pagbabago.


Gaganapin ito sa November 29 kung saan bukas ang espasyo para sa makabuluhang dayalogo at kolektibong pag-iisip.


Magkakaroon din ng pagkakataon ang mga kalahok na suriin ang mga lokal na isyu at polisiya, magpahayag ng kanilang rekomendasyong nakabatay sa karanasan, at makabuo ng network kasama ang kapwa kabataan mula sa iba’t ibang bayan at sektor.


Nagpaalala naman ang Provincial Government na kailangang magpadala ng confirmation ang mga dadalo sa loob ng tatlong araw at makipag-ugnayan sa numerong 𝟬𝟵𝟬𝟱𝟭𝟰𝟯𝟴𝟮𝟲𝟴 para sa kanilang confirmation.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page