top of page

Mga kawani ng MOLE,sumailalim sa Work and Financial Plan para sa FY 2026

  • Diane Hora
  • Nov 17
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Ngayong papalapit nang matapos ang taon, sinisimulan na ng Ministry of Labor and Employment ang paghahanda para sa mga plano sa taong 2026.


Kamakailan, isinagawa ng MOLE ang Work and Financial Plan Workshop na naglalayong maihanda ang iba't ibang work plans, schedules, at procurement and budgetary requirements sa susunod na taon.


Alinsunod sa layuning maging tapat at transparent ang lahat ng transaksyon, masusing tinalakay ang mga ito ng mga partisipante upang masigurong mapanatili o mas maisaayos pa ang overall performance ng ministry.


Ang naturang workshop ay inorganisa ng Research, Planning and Policy Development Services na dinaluhan ng mga bureau and office directors, division chiefs, provincial and field office heads, at mga empleyado.


Inaasahan na sa pagtatapos nito ay magkakaroon ng malinaw na direksyon ang MOLE alinsunod sa kanilang mandato na tugunan ang mga pangangailangan ng labor force ng rehiyon.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page