Mga kinatawan ng 7/11 store, nakipagpulong kay Mayor Datu Shameem Biruar Mastura kaugnay sa pagbubukas ng tindahan sa Sultan Kudarat
- Diane Hora
- Nov 28
- 1 min read
iMINDSPH

Bumisita sa opisina ni Sultan Kudarat Mayor Datu Shameem Mastura ang mga kinatawan ng 7/11 Philippines bilang paghahanda sa pagbubukas ng kauna-unahang 7/11 Convenience Store sa bayan ng Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte.
Isang malinaw na patunay ito, ayon sa alkalde, na patuloy na tumataas ang kumpiyansa ng mga mamumuhunan na magtayo ng negosyo sa bayan.
Patuloy din ang pagsisikap ng lokal na pamahalaan na humikayat ng mas marami pang investors upang mas lalo pang pasiglahin ang lokal na ekonomiya.



Comments