top of page

Mga mag-aaral at magulang sa Sero Elementary School sa Cotabato City, dagsa ngayong unang araw ng pasukan; Ilang magulang at mag-aaral, ngayong pa lamang magpapatala

  • Diane Hora
  • 1 day ago
  • 1 min read

iMINDSPH



Sa Sero Elementary School sa Cotabato City-

Dagsa ang mga mag-aaral at magulang sa unang araw ng pasukan. Ilang mag-aaral ang na-enroll pero wala umano sa listahan. Mayroon ding mga magulang at mag-aaral na ngayon pa lang magpapa-enroll.



Ramdam na ramdam na ang back to school vibe sa daan…



Matinding traffic jam sa unang araw ng pagbubukas ng klase.


Pero kahit nagsimula na ang unang araw sa eskwela sa mga pampublikong paaralan, may mga magulang naman na ngayon pa lamang magpapatala sa kanilang anak.


Mayroon namang magulang na hinahanap sa listahan ang pangalan ng kanilang anak.


Samantala, binigyan naman ng pamunuan ng Sero Elementary School ng hanggang katapusan ng buwan ang mga magulang na hindi pa nakapagpa enroll ng kanilang mga anak.


Nasa 45,974 na mga paaralan sa buong bansa ang nagbukas na ang klase ngayong araw.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page