top of page

Mga mag-aaral ng Panatan Elementary School sa Sultan Kudarat, MDN, pinasaya ni Mayor Datu Shameem Mastura sa handog na school bags at iba pang gamit sa ilalim ng "Bisita Eskwela" program ng LGU

  • Diane Hora
  • Dec 2
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Patuloy ang adbokasiya ni Sultan Kudarat Mayor Datu Shameem Mastura na pangalagaan ang kapakanan ng mga kabataan at isulong ang maayos na edukasyon sa bayan.


Sa pamamagitan ng "Bisita Eskwela" Program ng lokal na pamahalaan, tinungo ni Mayor Mastura ang Panatan Elementary School upang personal na makita ang sitwasyon sa paaralan at mga estudyante.


Naghandog ang LGU ng iba’t ibang school materials, gamit sa pagtuturo, gamit sa paglilinis ng eskwelahan, at iba pang pangangailangan ng mga mag-aaral at guro.


Layon ng tulong na ito na mabigyan ng kaunting ginhawa ang mga mag-aaral, kanilang mga magulang, at mga teacher.


May entertainment at pa-contest din na nagpasaya pa sa aktibidad.


Sa pamamagitan ng "Bisita Eskwela," nagkakaroon ng pagkakataon ang LGU na makita ang sitwasyon ng mga eskwelahan sa mga komunidad at madinig ang boses ng mga residente sa bayan ng Sultan Kudarat.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page