iMINDSPH
Bilang bahagi ng Global Handwashing Day celebration, Sa tema na “Why Are Clean Hands Still Important?”, ipinakita ng mga mag-aaral sa elementarya sa buong BARMM ang kanilang creativity sa paghayag ng kanilang sarili kung bakit mahalaga ang hand hygiene sa pamamagitan ng kanilang natatanging artwork.
Ito ang obra ng mga kalahok sa handmade painting poster contest na inorganisa ng Ministry of Basic, Higher, and Technical Education.
Hindi lang yan dahil meron ding pakontest sa mga high school students.
Inihayag ng mga mag-aaral sa segundarya na kalahaok sa kompetisyon ang kanilang pananaw kung bakit mahalaga ang hand hygiene sa pamamagitan ng spoken poetry.
Bahagi ng kompetisyon ang people’s choice award kung saan ang mananalo ay pipiliin mula sa dami ng reactions sa kanilang artwork na ipinost sa official page ng MBHTE.
Bawat emoticon na thumbs-up at heart ay katumbas ng isang voting point.
Magtatapos ang pagboto sa October 26.
Comments