iMINDSPH
Isang sasakyan lamang bawat kandidato na maghahain ng Certificate of Candidacy mula sa Cotabato City at provincial posts sa Maguindanao del Norte ang papayagang makapasok sa loob ng Bangsamoro Government Center kung saan naroon ang tanggapan ng Commission on Election Cotabato City at Maguindanao del Norte.
Hindi rin papayagan ang mga maghahain ng COC na magdala ng armas sa loob ng BGC. Ilan lamang ito sa mga security measures na ipatutupad ng Cotabato City Police at Philippine Marines bukod pa sa nakatakdang re-routing na ipatutupad dahil pansamantalang isasara ang Governor Gutierez Avenue patungong BGC mula October 1 hanggang October 8.
Inilatag ng COMELEC Cotabato City at Maguindanao del Norte, kasama ang mga opisyal ng Cotabato City PNP at Philippine Marines-
Ang kanilang ipatutupad na seguridad sa itinakdang petsa ng paghahain ng Certificate of Candidacy mula October 1 hanggang October 8.
Sa mga kandidato na maghahain ng COC mula Cotabato City at Provincial Post ng Maguindanao del Norte-
Isang sasakyan lamang bawat kandidato ang papayagang makapasok sa loob ng Bangsamoro Government Center kung saan naroon ang tanggapan ng Commission on Election Cotabato City at Maguindanao del Norte.
Hindi rin papayagan ang mga maghahain ng COC na magdala ng armas sa loob ng BGC.
Hindi rin papayagan ang mga supporters ng mga kandidato at convoy ng mga ito na papasok ng BGC.
Sa darating na October 1 hanggang October 8-
Pansamantalang isasara ang Governor Gutierrez Avenue papasok ng BGC.
Ipatutupad din ang rerouting ng mga Public Utility Jeepneys at mga pribadong sasakyan patungong ND Village at kalapit lugar.
Sa back gate naman dadaan ang mga empleyado ng mga opisina na nasa loob ng BGC, gayundin ang walk-in clients.
Ang mga out-patient para magpa medical check up sa polymedic ay susunduin ng RMDU Ambulance.
Kommentare