Mga mahuhusay na student researchers sa BARMM, pinarangalan sa SWARACon 2025 ng MSSD
- Diane Hora
- Nov 26
- 2 min read
iMINDSPH

Umaabot sa kabuuang limampu’t apat na mga research entries ang isinumite ng mga Bangsamoro student researchers sa isinagawang kauna-unahang SWARACon o Social Welfare Annual Research Advancement Conference ng Ministry of Social Services and Development noong November 20.
Dinaluhan ito ng mga researchers, faculty, students, at practitioners upang ipakita ang kanilang mga research na hindi lamang naglalarawan sa tunay na karanasan ng Bangsamoro communities kundi direktang nakikinabang din ang rehiyon at ang mga mamamayan nito.
Ang SWARACon ay isang inisyatiba ng MSSD na naglalayong palakasin ang research culture sa BARMM at bigyan ang Bangsamoro researchers ng pagkakataong makagawa ng makabuluhang pag-aaral na magiging pundasyon sa pagpapabuti ng social welfare programs ng Bangsamoro Government.
Tinalakay sa SWARACon ang usapin ng child protection, peacebuilding, women and gender issues, social inclusion, at post-conflict recovery.
Sa mensahe ni MSSD Minister Atty. Raissa Jajurie, mahalaga ang pananaliksik sa paggawa ng mga makabuluhang polisiya at mga programa, lalo na sa gobyerno.
Inihayag din nito ang commitment ng MSSD sa pagpapalakas pa ng research collaboration sa rehiyon.
Sinabi naman ni Director General Atty. Mohammad Muktadir Estrella na mahalaga ang SWARACon sa pagpapatibay ng research ecosystem sa rehiyon, kung saan itinuturing itong isang pioneering research platform na nagbibigay ng pagkakataon para ma-showcase ang kanilang mga research studies.
Matapos naman ang masusing screening, ginawaran ng parangal at cash prize ang mga nagwagi.
Sa Student Category Awardee, mula sa 27 entries, napili ang Sindaw o Pamilya: Lived Experiences of Meranaw Mothers of Children Diagnosed with Autism Spectrum Disorder in Lanao del Sur ni Asnairah Disoma ng Mindanao State University-Marawi, LDS.
Ang mga nagwaging research ay isasama sa darating na MSSD Research Compendium at magkakaroon ng technical assistance para mas mapabuti ang kanilang research at posibleng maisama sa mga programa o pilot implementation, na lalong magpapatibay sa ugnayan ng research at public service.
Plano na ring gawing taunan ang pagsasagawa ng SWARACon upang patuloy na palakasin ang komunidad ng mga mananaliksik, academics, at practitioners at itaguyod ang evidence-based policymaking sa Bangsamoro region.



Comments