top of page

MGA MAMBABATAS MULA MINDANAO, NAGHAIN NG RESOLUSYON NA NANAWAGAN PARA MAPAGLAANAN NG PONDO ANG LALAWIGAN NG SULU SA ILALIM NG 2024 GAA AT 2025 GAB

iMINDSPH



Naghain ng resolusyon ang ilang mambabatas mula sa Mindanao na nananawagan para mapaglaanan ng pondo ang lalawigan ng Sulu sa ilalim ng 2024 General Appropriations Act at sa panukalang 2025 General Appropriations Bill.



Nais matiyak ng mga mambabatas na maipagpatuloy ang operasyon ng mga tanggapan sa lalawigan gayundin ang pasweldo sa mga kawani ng gobyerno at pondo para sa mga proyekto matapos ibaba ng Korte Suprema ang desisyon kung saan dineklara na hindi na bahagi ng BARMM ang Sulu.



Dalawang resolusyon ang inihain ng ilang mambabatas sa Kamara.



Laman nito ang panawagan para mapaglaanan ng pondo ang Sulu sa ilalim ng 2024 GAA at sa punakalang 2025 GAB.


Nais ng mga mambabatas na matiyak na maipagpatuloy ang operasyon ng mga tanggapan sa lalawigan gayundin ang pasweldo sa mga kawani ng gobyerno at pondo para sa mga proyekto matapos ibaba ng Korte Suprema ang desisyon kung saan dineklara na hindi na bahagi ng BARMM ang Sulu


Ang House Resolution 2025 at HR 2026 ay isinusulong nina Representatives Shernee Tan-Tambut, Samier Tan, Yasser Alonto-Balindong, Zia Alonto Adiong, Mujiv Hataman, Munir Arbison, Mohammad Paglas, Joselito Sacdalan, Dimsar Sali, Bai Dimple Mastura, Khalid Dimaporo, at Aminad Dimaporo.

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page