top of page

Mga mambabatas, sinuri ang ₱85M na proposed budget ng CSEA para sa 2026

  • Diane Hora
  • Nov 28
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Sumalang sa budget deliberations ng Bangsamoro Transition Authority Parliament Committee on Finance, Budget, and Management ang proposed budget ng Cooperatives and Social Enterprise Authority para sa susunod na taon na nagkakahalaga ng 85 million pesos.


Tinanong ng mga mambabatas ang CSEA kung paanong nakapaghatid ng tulong at pag-unlad ang kanilang mga programa sa mga kooperatiba sa BARMM.


Ayon sa CSEA, layunin nilang gawing self-reliant ang mga kooperatiba at sa pamamagitan ng tamang gabay at pagsasanay, maaari silang lumago at maging matagumpay.


Ipinunto rin ng ahensya na marami sa mga kooperatiba sa rehiyon ay binubuo ng dating combatants.


Patuloy na nagsasagawa ang CSEA ng pagpaparehistro at regulasyon ng mga kooperatiba, pagbibigay ng financial assistance, at pagsasagawa ng iba’t ibang training programs na tumutulong sa kabuhayan, inclusive growth, at pagbuo ng matatag na mga komunidad.


Mula 2019, 6,970 kooperatiba na ang kanilang nairehistro, 140 social enterprises ang natulungan, at 4,500 indibidwal ang nabigyan ng suporta at serbisyo.


Binigyang-diin naman ng mga mambabatas na mahalagang matiyak na ang mga programa ng CSEA ay tunay na nakatutulong para mapaunlad ang mga kooperatiba at makapag-ambag ang mga ito sa economic recovery at regional development ng BARMM.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page