iMINDSPH
Hindi kailangan na magbitiw o “deemed resigned” ang mga miyembro ng Bangsamoro Transition Authority Parliament na kakandidato sa 2025 elections. Ito ang paglilinaw ng COMELEC BARMM.
Gayundin ang mga miyembro ng parliament na itinalaga sa cabinet positions at iba pang executive officers.
Sa estado ng Maguindanao del Norte kung saan appointed ang umuupong gobernador sa posisyon, sinabi ni COMELEC BARMM Regional Director Atty. Ray Sumalipao na hindi ito kailangan magbitiw kung kakandidato sa halalan sa susunod na taon.
Comments