top of page

MGA NAGHAIN NG AMNESTY APPLICATION SA ILALIM NG ADMINISTRASYONG MARCOS UMABOT NA SA 972,113 DITO AY MGA MIYEMBRO NG MILF

iMINDSPH



Puspusan ang pagtutok ng Technical Working Group on Amnesty ng Moro Islamic Liberation Front o MILF sa paghahain ng amnesty application ng kanilang mga miyembro lalo na ang mga nagnanais lumahok sa halalan sa susunod na taon.



Mahigit kumulang limang daang miyembro ng Moro Islamic Libreration Front ang inaasahang maghahain ng Amnesty Application ayon kay MP Baileng Mantawil. Kabilang dito ang mga miyembrong MILF na kasalukuyang nakakulong at mga nakapag piyansa.


Simula nang gumulong ang proseso ng paghahain ng amnesty application sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr, nasa siyamnaran at pitumpo’t dalawang aplikasyon na ang tinanggap ng National Amnesty Commission mula sa mga dating miyembro ng RPMP-RPA-ABB, CPP-NPA-NDF, at mga miyembro ng MILF at MNLF.


Puspusan ang pagtutok ng Technical Working Group on Amnesty ng Moro Islamic Liberation Front o MILF sa paghahain ng amnesty application ng kanilang mga miyembro.


Mula sa naunang bilang na tatlumpo’t pitong aplikasyon na inihain sa Local Amnesty Board Cotabato City kabilang na ang dalawmapu’t isang inihain ng mga front commanders ng MILF kung saan ilan sa mga ito ay mga miyembro nang Bangsamoro Transition Authority Parliament-


Umabot sa 113 ang kabuuang bilang ng mga MILF members na nakagpafile ng amnesty application sa National Amnesty Commission.


Ayon sa isa sa mga miyembro ng MILF Technical Working Group on Amnesty, MP Baileng Mantawil-


Mahigit kumulang limang daang miyembro ng grupo ang maghahain ng amnesty application. Kabilang dito ang mga PDL at aniya’y mga nakapag bail.


Pagkatapos maasikaso ang mga PDLs sa iba’t ibang kulungan sa bansa, susunod na rin na magsasagawa ang MILF ng one stop processing sa paghahain ng amnesty katuwang ang NAC sa mga kampo naman ng MILF.


Target ng MILF TWG on Amnesty na bago magtapos ang buwan, makapagsumite sila ng maraming bilang ng amnesty application sa NAC.


Simula nang gumulong ang proseso ng paghahain ng amnesty application sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr, nasa siyamnaran at pitumpo’t dalawang aplikasyon na ang tinanggap ng National Amnesty Commission


Dalawa mula sa mga dating miyembro ng RPMP-RPA-ABB.


807 ang mula sa mga dating miyembro ng CPP-NPA-NDF.


113 ang mula sa mga miyembro ng MILF at 50 naman mula sa miyembro ng MNLF.

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page