Mga naisabatas na hospital bills, filed bills, at resolutions na magpapalakas sa mga programang pangkalusugan at nutrisyon sa rehiyon, ibinahagi ni MP Hashemi Dilangalen sa kanyang 2025 accomplishment
- Diane Hora
- 24 hours ago
- 1 min read
iMINDSPH

Binigyang-diin ng mambabatas sa kanyang 2025 accomplishment report ang tatlong haligi ng kanyang adbokasiya—kalusugan, nutrisyon, at disaster preparedness—na nagsilbing gabay sa pagbalangkas ng mga batas at programang naglalayong palakasin ang serbisyong panlipunan sa rehiyon.
Tampok dito ang anim na hospital bills na naisabatas noong 2025, na magpapalawak at magpapahusay sa mga serbisyong pangkalusugan sa iba’t ibang lalawigan ng BARMM.
Kabilang dito ang pagtatatag at pag-upgrade ng mga pampublikong ospital sa Basilan, Tawi-Tawi, Maguindanao del Norte, Maguindanao del Sur, at Lanao del Sur—isang hakbang na maglalapit ng dekalidad na serbisyong medikal sa mga komunidad.
Bukod sa mga hospital laws, ilan sa mga mahahalagang panukalang batas na inihain ng mambabatas noong 2025 ang BARMM Water Safety in Schools Act, Community-Based Physical and Rehabilitation Medicine Program, at Community-Based Senior Citizen Health and Wellness Programs. Mayroon ding walong (😎 resolusyon na inihain na nakatuon sa pagpapalakas ng mga programang pangkalusugan at nutrisyon sa rehiyon.
Ayon kay MP Dilangalen, ang mga tagumpay na ito ay patunay ng maayos, mabisa, at makataong serbisyo-publiko, gayundin ng patuloy na pagsisikap ng Bangsamoro Parliament na maisakatuparan ang mga programang tunay na tumutugon sa pangangailangan ng mamamayan.



Comments