top of page

Mga nakamit na targets ng Office of the Vice President at pagtiyak na epektibo ang mga programang ipinatutupad, inilatag sa 2025 PLANNING CONFERENCE NG OVP na dinaluhan ni Vice President Sara Duterte

iMINDSPH


Ibinahagi ni Vice President Sara Duterte sa kanyang facebook page ang pagdalo nito sa

2025 Planning Conference ng Office of the Vice President sa Filinvest City, noong nakaraang linggo.



Layunin nito ayon sa bise presidente na siyasatin ang mga nakamit na targets at mga layuning nakamit ng iba’t ibang division at unit sa Office of the Vice President.



Ito ay upang siguraduhin na epektibo ang mga programang ipinapatupad at mga serbisyong ibibigay pa sa hinaharap.



Pinasalamatan ni VP Duterte ang lahat ng mga kasama nito sa Office of the Vice President na sa kabila aniya ng mga hamon ng nakaraan at sa hinaharap ay nananatili silang matatag sa kanilang tungkulin na maglingkod sa ating mga kababayan.



Kasama ang buong Office of the Vice President, sinabi ng opisyal na naniniwala siya na sa gabay ng Maykapal, mapagtatagumpayan ang anumang hamong kaakibat ng serbisyo publiko, at patuloy na makapagbigay ng dekalidad na mga programa para sa kababayan na higit na nangangailan, saan mang sulok ng bansa.



Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page