top of page

Mga natamong tagumpay ni ICM Abdulraof Macacua sa unang 5 buwan ng kanyang liderato, inilatag sa Chief Minister’s Hour

  • Diane Hora
  • Aug 7
  • 4 min read

iMINDSPH


ree

Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ni BARMM Interim Chief Minister Macacua ang kanyang paninindigan bilang isang lingkod-bayan, at muling ipinaalala na ang pamumuno ay isang aniyang Amanah—isang sagradong pananagutan.


Inilahad ni Macacua ang Enhanced 12-Point Priority Agenda ng kanyang administrasyon—isang planong hindi lang aniya pangarap kundi konkretong aksyon.


Kabilang sa mga ito ang pagpapalakas ng burukrasya, edukasyon, kalusugan, imprastraktura, at pananalapi.


Upang maging mas mabisa at accountable ang BARMM bureaucracy, ipinatupad ng administrasyon ang


• Paglabas ng Bangsamoro Budget Memorandum

• Performance Review ng lahat ng ministries at agencies

• E-procurement system pilot at Government Purchase Card Program

• Capacity-building trainings tulad ng Procurement Summit at Investment Strategy Workshop


Isinulong din ng kanyang administrasyon ang fiscal discipline sa pamamagitan ng validation ng LGU bank accounts at inter-agency coordination.


Ibinahagi rin ng Chief Minister ang mga bagong ugnayan at proyekto sa international partners:

• UNOPS at SUBATRA – Para sa judicial reform at capacity development

• JICA – Maternal and child health services

• Universiti Putra Malaysia – Research collaboration sa housing at settlement planning

• EU, Australia, UK – E-governance, peacebuilding, and results-based governance


Bahagi rin ng kanyang talumpati ang pagpapalakas ng digital infrastructure at pagpapasigla ng ekonomiya sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).


Sinabi nito na sa pamamagitan ng Bangsamoro Information and Communications Technology Office (BICTO), nakapagsanay ang gobyerno ng 169 participants mula sa iba’t ibang probinsya sa anim na Digital Literacy Trainings.


Kasabay nito, inilunsad ang BARMM-Wide Internet Connectivity Project — isang major infrastructure rollout na popondohan mula sa 2023 Special Development Fund (SDF).


Target nito ang pagtatayo ng:

• 10 Main Nodes

• 250 Sub-Towers

• 750 Access Points


Narito ang regional breakdown ng project rollout:

• Cotabato City: 1 node, 36 sub-towers, 108 access points

• Maguindanao del Norte: 3 nodes, 70 sub-towers, 210 access points

• Maguindanao del Sur: 1 node, 25 sub-towers, 75 access points

• Lanao del Sur: 2 nodes, 50 sub-towers, 150 access points

• Special Geographic Area: 1 node, 25 sub-towers, 75 access points

• Tawi-Tawi at Basilan: Tig-1 node bawat isa, hanggang 75 access points kada probinsya


Sa bahagi naman ng ekonomiya, tiniyak ng administrasyon na ang fiscal autonomy at investor confidence sa BARMM ay lalong lumalakas.


Ibinida nito ang Government Purchase Card (GPC) at Bangsamoro Investment Framework na target na paigtingin ang transparency sa paggastos ng pondo at palakasin ang sariling kakayahan ng rehiyon sa pamumuhunan.


Sa ilalim ng Ministry of Trade, Investments, and Tourism (MTIT):


• Isinusulong na ang Bangsamoro Investment Opportunities Catalog para sa halal, agrikultura, logistics, at ecozones.

• Naisakatuparan ang mga investment roadshows sa Cotabato City, Makati, at Davao, katuwang ang mga embahada at pribadong sektor.


Investment Highlights:

• ₱138 million na bagong investments ang na-secure

• 1,850 bagong trabaho ang nalikha

• 30 cooperatives at 80 MSMEs ang nabigyan ng suporta


Ipinagmalaki rin ng BARMM ang tagumpay ng mga coffee growers mula Maguindanao, Sulu, at Basilan sa Philippine Coffee Expo.


MSME at Trade Development:

• ₱26.7 million MSME sales mula sa Trade Fairs na nilahukan ng 194 exhibitors

• Pakikipag-partner sa mga global buyers sa IFEX 2025, katuwang ang EU, FAO, ECCP, at UNDP


Infrastructure and Port Development:

• Polloc Freeport and Ecozone (PFEZ) ay nagtala ng ₱4 million sa collections at 28 cargo vessel visits

• Aktibong usapan na rin ang isinasagawa para sa regulated barter-trade framework na ayon sa international standards


Bago aniya natapos ang buwan ng Hulyo, sinabi ni Macacua na inanunsyo ng Asian Development Bank (ADB) ang $400 million o ₱22.3 billion investment sa blue economy projects ng rehiyon — kabilang ang seaweed farming, marine tourism, at coastal livelihoods para sa mga lalawigan ng Basilan, Sulu, at Tawi-Tawi.


Sa kanyang panunungkulan, nais nitong masiguro na may sapat, ligtas, at abot-kayang pagkain ang bawat Bangsamoro. Sa pamamagitan ng Ministry of Agriculture, Fisheries, and Agrarian Reform (MAFAR), tuloy-tuloy ang mga programang sumusuporta sa mga magsasaka, mangingisda, at mga komunidad sa kanayunan.


Palay at Upland Rice Production

• Noong Marso 24, nasa 1,000 hybrid palay seeds ang naipamahagi sa 1,013 rice farmers sa Mamasapano, Guindulungan, at Ampatuan.

• Isinunod dito ang upland rice production inputs para sa 812 upland farmers noong Marso 25, na layong palakasin ang sustainable farming sa kabundukan.



Organic Gardening sa Mga Paaralan

• Mula Marso 26–28, 30 organic garden packages ang ipinamigay sa mga eskwelahan sa Maguindanao del Sur at del Norte sa ilalim ng “Organikong Gulayan sa Paaralan” program, katuwang ang MBHTE.



Livestock Support para sa Reintegration

• Mula Marso hanggang Mayo, 50 baka ang naipamahagi sa mga dating MILF combatants at mga cooperatives bilang livelihood assistance at reintegration support.



Farm Mechanization

• Umabot sa 43 tractors ang naipamahagi mula Marso hanggang Hunyo: 41 units na 70HP at 2 units na 90HP farm tractors para sa corn at cassava producers.



Climate-Resilient Crops

• 63,000 Arabica at Robusta coffee seedlings ang ipinamigay sa mga upland communities sa pagitan ng Marso at Mayo.

• Mula Mayo 27 hanggang Hunyo 11, 12,510 kilograms ng mungbean seeds ang naipamahagi upang mapalakas ang kita at lupa ng mga magsasaka.



El Niño Assistance

• Bilang tugon sa epekto ng El Niño, 6,000 bags ng yellow at white corn seeds ang naipamahagi noong Marso 11 at Hunyo 12 para sa mabilis na recovery ng mga apektadong magsasaka.



Regulatory Services

• 61 barangays ang na-monitor para sa animal disease control; 165 farmers ang natulungan.

• 63 barangays ang isinailalim sa plant disease surveillance; 285 farmers ang nabigyan ng tulong.

• 79 regulatory documents ang na-issue para sa feed, food, at animal safety.

• 249 farmers at traders ang sinanay sa pest management at trade compliance.



Agribusiness at Marketing

• Sa MAFARamadhan Trade Fair Plus, kumita ng mahigit ₱4.5M ang 59 farmers’ groups.

• Sa Basilan, ₱78,000 ang nalikom ng 4 cooperatives sa MAFARLENGKE-on-Wheels (Mayo 17–18).

• ₱1.2M ang naipautang na interest-free sa 12 cooperatives sa ilalim ng MAFARLENDS program (Mayo 20).

• Sa pagbubukas ng KADIWA ng Pangulo Store sa Camp SK Pendatun (Hunyo 3), umabot sa ₱68,690 ang kita — dagdag sa access sa murang pagkain para sa mga uniformed personnel.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page