Mga natulungan ng AMBaG Program ng Office of the Chief Minister, umabot na sa 287,666 beneficiaries
- Diane Hora
- Dec 15
- 1 min read
iMINDSPH

Isa ang Ayudang Medikal mula sa Bangsamoro Government sa mga flagship programs ng Office of the Chief Minister na nakatuon sa pagbibigay ng serbisyong medikal sa mga kababayan sa loob at labas ng rehiyon.
Ayon sa datos ng AMBaG, mula Nobyembre 2019 hanggang Nobyembre 30, 2025, umabot na sa 287,666 indibidwal ang nakabenepisyo sa programa.
Kabilang dito ang 124,376 kababaihan, 65,384 kalalakihan, at 97,906 kabataan na nakatanggap ng tulong medikal sa iba't ibang partner hospitals.
Aabot sa ₱1,267,950,577.04 ang kabuuang pondo na inilaan para sa medical assistance sa loob at labas ng rehiyon.
Sa 244,937 o 85% na mga benepisyaryo ang nakatanggap ng serbisyong medikal nang walang iniwang bayarin, patunay ng patuloy na kalinga at serbisyo ng Bangsamoro Government.
Ayon sa programa, sa pamumuno ni Interim Chief Minister Abdulraof Macacua, at sa pagpapatuloy ng programang sinimulan ni Former Chief Minister Ahod Ebrahim, nananatiling matatag ang AMBaG Program sa layuning magbigay ng kalinga at serbisyo sa bawat Bangsamoro.



Comments