Mga opisyal at empleyado ng BLTO BARMM, bumisita at nakipagpulong sa mga opisyal ng MMDA
- Diane Hora
- 5 days ago
- 1 min read
iMINDSPH

Bumisita ang mga opisyal at kawani ng Bangsamoro Land Transportation Office BARMM sa Metro Manila Development Authority o MMDA.

Tinalakay sa meeting ang mga proyekto at polisiya na ginagawa ng MMDA maging ang mga plano nito para sa mas maginhawang daloy ng trapiko sa Metro Manila.

Pinangunahan ni BLTO Regional Director Engr. Razul Gayak ang pulong.

Ipinakita rin sa BLTO BARMM officials and employees ang Communications at Command Center na nagsisilbing monitoring hub ng ahensiya pagdating sa traffic management at flood control.
Humarap sa mga opisyal mula sa BARMM si MMDA chairman Atty. Don Artes.
Kasama rin sa pulong si MMDA General Manager Procopio Lipana, Assistant General Manager for Operations David Angelo Vargas, at Traffic Discipline Office Director Atty. Victor Nuñez.
コメント