Mga opisyal, front at base commanders ng MILF, pinagtibgay ang kanilang katapatan sa organisasyon sa isinagawang Expanded Central Committee meeting kung saan tinalakay din ang sitwasyon ng mga komunid
- Diane Hora
- Aug 22
- 1 min read
iMINDSPH

Pinangunahan ni Moro Islamic Liberation Front (MILF) Central Committee Chairman at United Bangsamoro Justice Party (UBJP) President Al Haj Murad Ebrahim ang Expanded Central Committee Meeting kasama ang mga Front at Base Commanders ng Bangsamoro Islamic Armed Forces (BIAF).
Ang pagpupulong ay naging patunay umano ng mas matatag na pagkakaisa at koordinasyon ng BIAF.
Tinalakay sa pagtitipon ang sitwasyon ng mga komunidad sa loob at labas ng BARMM upang masiguro ang kapakanan, seguridad, at kaunlaran ng mga mamamayan.
Ipinahayag naman ni Chairman Ebrahim ang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng BIAF Commanders at pinuri ang kanilang sakripisyo, katatagan, at dedikasyon sa adhikain ng Bangsamoro.
Ang pagpupulong ay nagsilbing patunay din umano ng patuloy na paninindigan ng MILF at BIAF tungo sa pagsusulong ng kapayapaan at kaunlaran para sa Bangsamoro.



Comments