top of page

Mga ospital sa Maguindanao del Sur, tumanggap din ng pondo mula sa AMBaG kabilang na ang South Upi Municipal Hospital

  • Diane Hora
  • Aug 13
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Matagumpay na naisagawa ang fund transfer na ₱5 milyon para sa South Upi Municipal Hospital, isa sa mga partner hospitals ng AMBaG sa Maguindanao del Sur, noong July 30, 2025.


Pinangunahan ito ng Deputy Program Manager Saharan Jurjani Silongan, kasama ang COA Representative Bernard Sero at si Elizabeth Cagara mula sa South Upi Municipal Hospital.


Kasunod ito ng matagumpay na fund transfer sa Maguindanao Provincial Hospital at Buluan District Hospital, hudyat na lahat ng partner hospitals ng AMBaG sa Maguindanao del Sur, Bangsamoro Region, ay mayroon nang pondo mula sa programa upang mapalakas ang kanilang serbisyong medikal para sa mamamayang Bangsamoro.


Sa direksyon ni Chief Minister Abdulraof A. Macacua, patuloy na pinalalawak ng AMBaG ang serbisyong medikal upang maramdaman ang Kalinga at Serbisyo sa bawat sulok ng Bangsamoro.


 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page