top of page

Mga presko at sariwang gulay at iba pang Agri-products, tampok sa Mafarlengke sa Basilan

  • Diane Hora
  • Nov 19
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Upang matulungan ang mga magsasaka at mangingisda na maibenta ang kanilang mga inaning gulay, prutas, at iba pang agriculture and fish products, pormal na binuksan ng Ministry of Agriculture, Fisheries and Agrarian Reform at ng Provincial Government of Basilan, sa pamamagitan ng Office of the Provincial Agriculturist, ang MAFARlengke.


Ang dalawang araw na MAFARlengke ay matatagpuan sa Basilan Government Center grounds kung saan mabibili sa murang halaga ang mga produkto tulad ng sweet corn, sari-saring gulay, saging na lakatan, coconut oil, mga isda, seashells, tuyo, sardinas, at iba pang produkto mula pa sa iba't-ibang bayan.


Kasabay nito, tinutulak din ng Provincial Government ang "Magtana" o Magtanim para may Hanapbuhay Program ni Basilan Governor Mujiv Hataman, na naglalayong tulungan ang mga magsasaka at mangingisda na maibenta ang kanilang mga produkto sa mas maayos na presyo.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page