top of page

Mga programa at proyekto para sa kabataan, inilatag ni Sultan Mastura Mayor Datu Armando Mastura Sr sa isinagawang State of the Children's Address

  • Diane Hora
  • Dec 11
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Sa temang “Kabataang Bangsamoro, Protektahan Laban sa Printed at Online Sexual Abuse and Exploitation!”, ipinagdiwang ng lokal na pamahalaan ng Sultan Mastura ang buwan ng mga bata.


Ipinakita ng aktibidad ang malinaw na dedikasyon ng LGU at ng mga katuwang na ahensya sa pangangalaga at proteksyon ng karapatan ng mga bata.


Katuwang ang MSWDO, MHO, MBHTE, PNP, MAFAR, at Sangguniang Bayan, matagumpay na naisawaga ang programa na dinaluhan ng mga kabataan mula sa iba't-ibang barangay sa bayan.


Tampok sa naturang pagdiriwang ang State of the Children's Address ni Sultan Mastura Mayor Armando Mastura Sr., kung saan ibinahagi niya ang mga nagawa ng LGU, mga kasalukuyang proyekto, at mga planong nakatuon sa edukasyon, kalusugan, nutrisyon, proteksyon ng bata, serbisyong panlipunan, at kabataan.


Binanggit din ang mga hakbang ng munisipyo sa pagpapalawak ng akses sa edukasyon, pagpapabuti ng serbisyong pangkalusugan, at pagtulong sa mga batang nasa panganib, kabilang ang pagpapatibay ng mga mekanismo laban sa OSAEC-CSAEM.


[pause for SOT]

Mayor Armando Mastura Sr.


Kasabay nito, muling pinagtibay ng bawat opisina at sangay ang kanilang pangako sa pagbibigay ng mga programang pangkalusugan, edukasyon, proteksyon, at serbisyong panlipunan, na naglalayong itaguyod at palakasin ang kabuuang kapakanan at karapatan ng mga bata.


Dagdag na sorpresa naman ang pamamahagi ng tanghalian ng lokal ng pamahalaan sa mga kabataan mula sa McDonald’s.


Sa pamamagitan ng patuloy na pagsasanib-puwersa ng pamahalaan, mga stakeholder, at komunidad, nananatiling matatag ang pangako ng LGU Sultan Mastura na bumuo ng ligtas, maunlad, at mapag-arugang kapaligiran kung saan ang bawat karapatan ng bata ay pinapahalagahan at ipinagdiriwang.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page