Mga Programa para sa kapakanan ng mga kababaihan, patuloy na ipinatutupad ng Maguindanao del Norte Provincial Government
- Diane Hora
- Dec 9
- 1 min read
iMINDSPH

Sa layuning pangalagaan ang kapakanan ng mga kababaihan at palakasin ang kanilang kakayahan, binisita ng Provincial Gender and Development Office ang Upi Women’s Federation Inc. at Upi Municipal Jail.
Daan ito upang palakasin pa ang ugnayan para sa skills training, livelihood, at marketing ng mga produktong gawa ng mga inmates.
Buo ang suporta ni Provincial Governor Datu Tucao Mastura, CPA, at ng Provincial Chief of Staff Bai Shajida Mastura sa mga hakbang na tulad nito dahil mas natututukan ang kapakanan ng mga kababaihan at napapalakas ang kanilang kakayahan.
Nagpasalamat naman ang mga kinatawan ng Provincial Government sa mainit na pagtanggap sa delegasyon.



Comments