top of page

Mga residente ng Cotabato City, nanawagan sa BTA Parliament na ituloy ang BARMM Parliamentary Elections sa March 2026

  • Diane Hora
  • Dec 9
  • 2 min read

iMINDSPH


ree

Inilatag ng mga residente ng Cotabato City ang kanilang saloobin sa ginanap na public consultation ng BTA Parliament hinggil sa districting bills, araw ng Lunes, December 8.


Panawagan ng mga residente sa Bangsamoro Parliament na ituloy ang halalan sa rehiyon sa Marso ng susunod na taon.


Hinimok ng mga residente ng syudad ang BTA Parliament na isapinal na ang districting bill.


Ito na ang ika-limang leg ng public consultation, kung saan binigyang-diin ng mga opisyal, civil society groups at community leaders ang agarang pagsagawa ng district configuration.


Sinabi naman ni Atty. Benedicto Bacani ng Institute for Autonomy and Governance na gawin na sa lalong madaling panahon ang pagpasa ng panukalang batas, sundin ang naging kautusan ng Korte Suprema at tiyakin na maidadaos ang kauna-unahang parliamentary elections sa BARMM sa susunod na taon.


Kinatigan din ng mga residente ng lungsod ang IAG at iginiit ang isang patas at makatarungan na districting sa syudad.


Sa ilalim ng Parliament Bill Nos. 403, 407, 408, 411 at 415, ang Cotabato City ay magkakaroon ng tatlong parliamentary districts.


Ang tanging pagkakaiba ayon sa BTA ay kung paano hatiin ang mga barangay sa lungsod para maging isang distrito.


Pinahahalagahan ni Committee on Local Government Chair Naguib Sinarimbo ang public input, aniya, tumanggap na maraming substantial positions ang komite, at lahat ng ito ay ikokonsidera umano para matiyak ang isang patas at inclusive districting law.


Magpapatuloy ang public consultations sa Maguindanao del Sur sa araw ng Miyerkules, December 10 at December 12 naman sa Maguindanao del Norte.


Target ng Bangsamoro Parliament na maipasa ang districting bill ngayong buwan, isang hakbang na ayon sa mga residente ay mahalaga upang masunod ang March elections na schedule.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page