top of page

Mga residente ng Kakar sa bayan ng Datu Odin Sinsuat, benepisyaryo sa patuloy na SOLID DOS Medical Outreach Program at Tampil Tanu sa Maguindanao del Norte

iMINDSPH


Pinangunahan ni Mayor Datu Lester Sinsuat ang pamamahagi ng Livelihood Assistance, Tulong Medikal, Bisikleta at Food Assistance sa mga kababayan natin sa Barangay KAKAR, araw ng Miyerkules, February 19, 2025.



Hatid ng Tampil tanu sa Maguindanao del NORTE Medical Outreach Program ang mga serbisyong Dental, Medical and Eye Check up, Circumcission, Wellness and Nutrition, Slippers Distribution at Legal Services.



Samantala handog parin ng Solid DOS Medical Outreach Program ang:


GINHAWA PROGRAM

-Isang Livelihood Assistance na nagbibigay ng panimulang pagkakakitaan tulad ng mga Sari-sari Store starter kit at mga inahing Kambing.


TULONG MEDIKAL "Mayor Lester Clinic on Wheels"

- Tulong pangkalusugan na handog ay libreng Check up at Gamot.


PABISIKLETA NI YORME

- Munting regalo ni Working Mayor DLS para sa mga bata sa tuwing idinadaos ang Medical Outreach Program.


FOOD ASSISTANCE

- Pamamahagi ng FOOD PACKS (Rice with Groceries) at Vegetable seeds para sa lahat.


FEEDING PROGRAM

-Nutritious meal para sa mga bata

at pamamahagi ng Tsinelas



Matagumpay na naisakatuparan ang programa sa tulong at suporta ng BLGU-KAKAR sa pamumuno ni Mac Sabdullah, Barangay Health Worker(BHW) at Barangay Nutrition Council (BNS).



Layunin nito na mailapit ang mga serbisyo ng Lokal na Pamahalaan sa mga Barangay ng Datu Odin Sinsuat upang magbigay ng oportunidad at suporta sa mga kababayan nating nasa barangay.



Naisakatuparan ang matagumpay na programa sa pakikipagtulungan ng Serbisyong Tampil Tanu sa Maguindanao del Norte ni Former TESDA Secretary Suharto "Gov Teng" Mangudadatu, PhD.



At sa tulong ng Tiyakap DLS Foundation ni Vice Governor Bai Ainee Sinsuat at Alagang DOS Foundation ni Vice Mayor Datu Sajid Sinsuat.



Ang alkalde ng bayan ang nasa likod ng matagumpay na TIYAKAP DLS Foundation na pinamumunuan ni Vice Governor Bai Ainee Sinsuat simula pa noong 2019.



Ito ay tinatag sa panahong Bise Gobernador pa ang alkalde Kaya naman, simula ng bumalik at maupo itong alkalde ng Datu Odin Sinsuat ay nabuo ang Solid DOS Medical Outreach Program: Handog pasasalamat ni Mayor Datu Lester Sinsuat na syang naging flagship program na ng Lokal na Pamahalaan. Ito ay sa inisyatibo ni Mayor Datu Lester Sinsuat.

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page