iMINDSPH

Bilang pakikiisa sa banal na buwan ng Ramadhan ay namahagi ng mga Sajadan o Prayer mats ang Team Agila sa pangunguna ni Governor Bai Mariam Sangki-Mangudadatu.

Galak at ngiti ang naging salubong ng mga residente sa nasabing munisipyo na masayang tinanggap ang mga bago nilang sajadan na magagamit nila sa mga natitirang araw ngayong buwan ng pag aayuno.

Namahagi rin ng mga bagong Sajadah ang Team Agila sa mga residente ng Datu Hoffer Ampatuan.

Sa mga natitirang araw ng Ramadan, nais ng Team Agila na mapadali at maging magaan ang kanilang pag-aayuno at pagdarasal.

Sa bayan naman ng Guindulungan, tinanggap rin ng mga residente ang prayer mat at free Iftar. Kasama sa paghahatid nito si incumbent board member Bobby Midtimbang.

Free Iftar din at prayer mat ang hatid ng Team Agila sa mga residente ng Poblacion, Shariff Aguak.

Ang simpleng handog na ito ay isang hakbang upang magkaisa sa buwan ng Ramadan ayon sa Team Agila.


Comments