top of page

Mga residente sa 16 barangay sa Cotabato City, sama-sama sa isinagawang clean-up drive; mahigit 800 food packs at bigas, ipinamahagi ng tanggapan ni MP Naguib Sinarimbo sa mga volunteer cleaners

  • Diane Hora
  • Dec 8
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Sa ibinahaging impormasyon ni MP Naguib Sinarimbo: Sama-sama aniya ang mga bata, matanda, at mga nanay, maging ang mga tambay sa paglilinis sa isinagawang clean-up drive sa labing-anim na barangay sa lungsod, umaga ng Linggo, December 7.


Bilang suporta ng mambabatas sa hakbang, 803 sets ng food packs at bigas ang ipinamahagi ng kanyang tanggapan.


Pinasalamatan nito ang Office of the Chief Minister Abdulraof "Sammy Gambar" Macacua sa pagsuporta sa kanyang mga aktibidad, gayundin ang Bangsamoro READi sa dagdag na food supply, at ang mga barangay LGU na matibay aniya ang ugnayan para sa pagpapaunlad ng lungsod.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page