top of page

Mga suppliers ng MBHTE, ipinatawag ng Blue Ribbon Committee ng BTA Parliament sa patuloy na inquiry ng komite upang palakasin ang government operations

  • Diane Hora
  • Nov 27
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Binigyang-diin ng Blue Ribbon Committee ng BTA Parliament na ang patuloy na ginagawang inquiry ng komite sa MBHTE ay “in aid of legislation” upang makakuha umano ang parliament ng firsthand information upang mas higit na maunawaan kung paano nakikipagtulungan ang ministry sa suppliers sa paghahatid ng education service sa buong rehiyon.


Humarap sa pagdinig ng komite ang mga ipinatawag na suppliers ng MBHTE.


Sa inquiry, salitan ang mga supplier ng learning materials at school-based feeding programs sa pagpapaliwanag kung paano sila nakikipag-ugnayan sa ministry mula sa procurement processes hanggang sa delivery schedules.


Ang mga testimonya ng mga supplier, ayon sa komite, ay makakatulong sa assessment ng committee kung gaano kahusay ang mga ipinatutupad na programa ng ministry at sa pagtukoy sa mga aspeto na nangangailangan ng mas matibay na pananggalang.


Sinabi ni Blue Ribbon Committee Chair Rasol Mitmug Jr. na mag-iimbita muli ang panel ng iba pang suppliers upang matiyak na maririnig ng parliament ang lahat ng parte at magkaroon ng comprehensive picture ng sistema ng ministry.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page