top of page

Mga upuan at gamit na makakatulong sa pagpapa-angat ng edukasyon, personal na inihatid ni Gov. Datu Ali Midtimbang at Vice Gov. Isham Nando sa mga paaralan sa 3 bayan sa Maguindanao del Sur

  • Diane Hora
  • Dec 17
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Mga upuan at gamit sa pag-aaral ang personal na ipinamahagi ni Governor Datu Ali Midtimbang at Vice Governor Isham Nando sa Madrasa Ali Bin Maulana sa Datu Hoffer Ampatuan, Ma’had Rahmanie Al-Arabie Al-Islamie sa Shariff Aguak, at Ma’haf Othman Institute sa bayan ng Datu Unsay.


Ayon sa pamahalaang panlalawigan, layon ng hakbang na matiyak ang mas komportable at maayos na kapaligiran sa pagkatuto ng mga mag-aaral.


Binigyang-diin ng mga opisyal na higit pa sa simpleng kagamitan ang hatid ng programa—kundi malinaw na mensahe ng malasakit at paniniwala na ang edukasyon ang pundasyon ng mas matatag na kinabukasan ng mga kabataan at ng komunidad.


Dagdag ng gobernador at bise gobernador, ang naturang inisyatibo ay bahagi ng patuloy na adbokasiya ng pamahalaang panlalawigan na ilapit ang serbisyo sa mga mamamayan at tiyaking walang sektor ang napag-iiwanan, lalo na sa usapin ng edukasyon.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page