Mid-year assessment, isinagawa ng Project TABANG sa mga programang kanilang ipinatutupad
- Diane Hora
- 6 hours ago
- 1 min read
iMINDSPH

Upang masiguro ang mabisa at agarang tugon ng mga programa at serbisyo, isinagawa ng Project TABANG ang tatlong-araw na Mid-Year Assessment.
Nagsimula ito araw ng Martes at magtatapos ngayong araw, August 1. Launin nitong suriin ang implementasyon ng mga pangunahing programa, tukuyin ang mga hamon, at iayon ang mga estratehiya para sa nalalabing bahagi ng taon.
Sa isinagawang pagtitipon, naging sentro ng talakayan ang mga tagumpay, kakulangan, at operasyonal na performance ng iba’t ibang yunit sa ilalim ng Project TABANG.
Hangarin ng programa na muling paigtingin ang mga hakbang upang higit pang mapabuti ang paghahatid ng agarang tulong sa mga komunidad ng Bangsamoro, partikular sa larangan ng humanitarian response, serbisyong pangkalusugan, kabuhayan, at social interventions.
Dumalo sa aktibidad sina Project TABANG Project Manager Brahim Lacua at Deputy Project Manager Abobaker Edris, kasama ang mga pinuno ng yunit, technical staff, at focal persons mula sa iba’t ibang bahagi ng project management office.
Sa pamamagitan ng masinsinang pag-uusap at collaborative planning, layunin ng assessment na paghusayin ang koordinasyon at palakasin ang epekto ng serbisyo sa mga pamayanan.
Ang Project TABANG ay patuloy na nagsisilbing isa sa mga pangunahing humanitarian programs ng Office of the Chief Minister Abdulraof “Sammy Gambar” Macacua, alinsunod sa mga prinsipyo ng Moral Governance, at nakatuon sa pagpapataas ng kalidad ng buhay ng bawat Bangsamoro.
Comentários