iMINDSPH
Hindi na gagamit ng pwersa o armas. Isusulong ang Bangsamoro Organic Law. Sisikapin na tutuparin ng gobyerno ng Pilipinas ang mga hindi pa naisakatuparan sa batas, at ang hustisya na nais makamit ay hindi dapat idaan sa dahas.
Ito ang sinabi ni MILF Peace Implementing Panel Chair, MBHTE Minister Mohagher Iqbal sa kanyang talumpati sa ginanap na Consultative Meeting at General Assembly ng grupo sa Camp Darapanan, Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte.
Aniya, mananatili ang pangalan ng MILF, existence nito at values sa gitna ng pagtransform nito sa social movement.
Comentários